Tuesday, February 11, 2014
Q: Marami ho ang nakakapansin na
madalas na nakatuon ang atensyon ng Senado at Kongreso sa mga imbestigasyon –
na mahalaga din naman – ngunit parang napapabayaan na raw ang paggawa ng mga
batas. Sabi nga, “First things first.” Top priority, legislative agenda, ano po
ang plano ng Senado ngayon? Ano ano ho bang mga batas ang dapat asahan ng ating
mga mamamayan?
SPFMD: Neil, hindi naman puro
imbestigasyon lamang. Kahapon lamang ipinasa namin ang isang batas na sasagot
sa mga problema ng ating mga tripulante. Ipinasa natin ang Senate Bill No.
2043, na aking isinulong, upang maayos natin ang kabuhayan ng 80,000 na
kababayan na seafarer na nakabase sa Europa, dahilan po sa problema na hindi po
maayos ang ating maritime administration. Kaya pinasa po namin ang batas na ito
para ho makacomply tayo sa International Standards on Training, Certification
and Watchkeeping for Seafarers, o ICTW, Convention.
Q: Naalala ko ho iyan. Pinagusapan ho
namin yan nung nakaraang linggo eh.
SPFMD: Opo, naipasa na po namin
kahapon. Ngayon ito po ay inaasahang maging batas na bago matapos ang linggong
ito, at ito po ay magiging malaking bagay para sa ating seafarers.
Q: Nakakadismaya pong malaman ngayon
ang jobless growth sa ating bansa. Tumaas po from 9.6 million last year yung
mga walang trabaho, ngayon ho ay 12 million na ho ang walang trabaho sa bansa.
SPFMD: Ayan nga ho ay tama. At kung
hindi tayo gagawa ng hakbang, gaya ng ginagawa namin sa Kongreso baka pati po
yung mga seamen na nandun sa mga barko ay masibak at pauwiin dahil sa hindi sa
pagkakasunod duon ng maritime administration dito sa bansa.
Tama ka Neil. Isa sa mga challenges na
hinaharap natin sa ngayon ay lumalago ang ating ekonomiya, pero iilang pamilya
lamang ang nakikinabang. Dumarami pa rin ho ang nawawalan ng kita at trabaho.
So isa po sa legislative agenda na aming tinitingnan ay ang tinatawag natin na
anti-trust legislation.
Titingnan natin kung paano nila
ginagawa sa ibang bansa, halimbawa tulad sa America, na may mga korporasyong
masyadong naging malaki at nagiging monopolya, ay pinipilit nilang buwagin at
para na rin hindi ho masyadong makapangyarihan na siya nang nagdidikta ng
ekonomiya, at nagiging dahilan upang magkaroon ng kaunting mga oportunidad,
yung growth na hindi nagtatranslate sa trabaho.
Q: Sa punto ng ekonomiya, ano po ba
ang mga panukalang batas na nakalinya, kasama na ang EPIRA?
SPFMD: Kasama po iyan, hinihintay po
natin ang Committee on Energy, at titingnan natin. Naghehearing po ngayon,
hindi imbestigasyon, upang pagusapan kung ano po ang dapat gawin sa EPIRA, at
ngayon kami po ay Speaker Belmonte at kasama ang liderato ng magkabilang
kapulungan ay nagusap po at nagkasundo sa mga batas na dapat naming ipasa sa
taong ito para makatulong sa buong ekonomiya, at magparami ng may trabaho at
mangaggawa.
Tungkol sa kapayapaan, ating
tintingnan as priority yung Bangsamoro basic law, yung panukalang batas na
siyang magiimpluwensiya sa kasunduang kapayapaan na pinasok ng ating pamahalaan
at ng MILF.
Ganun din naman ang isa pang
panukalang batas na bigyan ng exemption sa buwis yung Christmas bonus. Wag na
dapat buwisan ang 13th month pay. Yan ay sa dahilan na sa ngayon,
kasama yan sa binabayaran sa buwis. Ang sabi namin, Pasko naman, at maliit lang
ito sa pamahalaan, pero malaking bagay ito para sa ating mga manggagawa.
Q: Senate President, sa usapin po ng
mabagal na pagusad ng hustisya sa bansa, ano po ang magagawa ng Kongreso? Sa
edukasyon, ano po ba ang mga panukalang batas para sa ating mga magaaral?
SPFMD: Unang una, tungkol sa mabagal
na pagusad ng mga kaso sa husgado, isa po sa mga aming gustong ipasa ay ang
pag-amyenda sa Sandiganbayan Law. Sa pamamagitan siguro, sa unang una, sa mga
maliliit na kaso. 30% ng mga kaso sa Sandiganbayan ay mga maliliit na
kaso na dapat siguro nang ilipat sa mga Regional Trial Court ang paglilitis.
Q: Tambak na ang kaso sa
Sandiganbayan. Dapat talaga madeclog.
SPFMD: Tama ho iyan. Alam mo sa
Sandiganbayan, sa kasulukuyan higit sa anim na taon bago pa makapagdesisyon. Sa
Sandiganbayan, ang isang division ay hindi po pepwedeng maghehearing, kung
absent po ang isang judge. Ay kaya limang taon mahigit talaga bago matapos.
Q: Hindi ho kaya abutin ng siyamsiyam
yang pork barrel scam?
SPFMD: Kung hindi ho natin aayusin,
yan po ay ganun ang mangyayari. Kaya nga po isa yan sa binibigyan namin ng
priority. By next month or March, baka pumasok na po sa plenary ang pagdinig sa
amendments sa Sandiganbayan.
Sa larangan naman po ng edukasyon, isa
po sa aming tinitingnan ay ang pagbibigay ng loan sa kabataan, isang loan program
na makakatulong sa pagaaral nila.
Q: Iba na ho ito sa “Study Now, Pay
Later” plan?”
SPFMD: Iba na ho. Ito ho ay ang
pagbibigay ng insentibo sa mga bangko na magbigay ng loans sa ating mga
kabataan on a very liberal scale.
Q: May interes pa po ba ito?
SPFMD: Paguusapan pa namin. Siguro ay
wala na dapat, o kung meron man, dapat negligible na.
Q: Sa dami po ng panukalang batas, may
sapat pa po bang panahon para sa pagsasabatas ng lahat na ito?
SPFMD: Ay may sapat na panahon. It’s a
matter of focus. Para po sa mga ating kababayan, ito ang aming talagang gagawin
sa loob ng mga buwan na ito.
Q: Maraming salamat po, Senate
President Franklin Drilon. ###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento