Friday, February 7, 2014
Regarding the EPIRA and the cost of electricity
SPFMD: Ay nakakabahala po ito. Agg ibig lang sabihin,
mukhang kailangang tingnan natin ng husto itong EPIRA, kung bakit po yung
original objective ng EPIRA na magkaroon ng competition among power producers
sa presyo ng kuryente ay hindi po umuubra.
Iyon pong power generators ay hindi nasa ilalim ng Energy
Regulatory Commission, sila po ay malayang magbenta ng kanilang kuryente sa
market prices, para ma-enganyo natin ang mga investors na pumasok sa power
business. Ngunit sa ngayon po, iilan lang ang nasa power generation, kaya halos
monopolya lang ng ilang power producers. Ang Meralco po, sila ang po ang tiga
distribute at tiga singil, kaya sila ho ang tinatamaan.
Ang Meralco ang nagdidistribute, kaya sila ang dahilan
kung bakit tumataas ang singil ng gen co?
SPFMD: Hinde naman po. Sila po ang bumibili sa mga gen co
at nagpapasa sa consumer, kung ano po ang presyo ng merkado sa power
generation, iyon po yung pinapasa ng Meralco sa tao. Wag natin kalimutan,
distribution at utility po ang role ng Meralco.
Pero, siguro po ba ay dapat kumilos ang Congreso tungkol
dito at ng maagapan ang problema at nang hinde na lumala, ngayon pong nakikita
na natin ang posibleng takbo ng presyo?
SPFMD: Tama po iyon Joe. Kailangan tingan natin kung saan
nagkulang ang polisiya tungkol sa power generation.
Kahapon po ay nakipagkita sa inyo ang mga taong may
kinalaman sa Bangsamoro peace agreement. May nakikita po ba kayong
kinakailangang pagbabago sa Consititution para maipagtibay itong organic law ng
Bangsamoro?
SPFMD: Hindi ho ito natin masasabi ngayon dahil wala pa
sa atin ang basic or organic law. Pero kung ating pagbabasihan ang naging
Bangsamoro framework agreement, sa atin tingin po, hinde na kailangan ang
pagbabago ng saligang batas. Kaya nga po aking pinayuhan ang Transition
Commission ng Bangsamoro basic law kahapon, na ang gagawin nilang panukalang
batas na isusumite sa Kongreso, ay dapat po ay wala pong anumang bagay doon na
lalabag sa ating Saligang Batas, o yung nangangailangan ng pagbabago nito.
Dahilan po, ang paguusap tungkol sa Bangsamoro law o yung organic act ng ARMM,
ay hindi po pamamaraan upang baguhin ang Saligang Batas.
Kung sila po ay may mga advocacy sa pagbabago ng saligang
batas, huwag nilang gawin doon sa usapin sa amendments on the organic law ng
Autonomous Region of Muslim Mindanao, kung hindi sa ibang pamamaraan, advocacy
o venue na. Hindi po nila dito dapat yan sabihin.
Paano po ba ang magiging proseso nito – gagawin nila yung
proposed Bangsamoro law, ipapasa sa Kongreso, and then ilalagay sa plebisito,
then pipirmahan ng Pangulo?
SPFMD: Tama naman iyan Joe. Ang mangyayari, kapag
nalagdaan na nila ang framework agreement, at duon po sa ARMM, gagawin nila ang
basic law base duon sa peace agreement na kanilang pipirmahan with the Office
of the Presidential Adviser on the Peace Process. Pagkatapos nilang magawa yung
proposed organic law, ito po ay isusumite sa Kongreso at sa Senado. Magkakaroon
ng committee hearings, at ito po ay pagdedebatehan. Isusumite naman ito ng
Kongreso at Senado para lagdaan ng Pangulo, at saka isusumite para sa
plebisito.
Maari po ba natin itong ihalintulad sa ARMM law, with
some modifications?
SPFMD: Hindi ko pa yan masasabi. That is up to the
Transition Commission. I do not want to pre-empt their draft. Ang masasabi ko
lang, ang expectation natin ay yung kanilang draft ay sangayon sa framework
agreement na kanilang nilagdaan.
Mukhang parehas kayo ng position ni Speaker Belmonte
regarding this issue.
SPFMD: Kahapon nagusap ang liderato ng Kamara de
Representates at ng Senado, kasama ang minority leaders. Amin pong
napagkasunduan na hintayin na lang muna ang full proposal ng Transition
Commission at tsaka po naming ito tatalakayin. Amin din pong napagkasunduan na
ang target date – pero hindi ho deadline – nga pagapruba ay itong taong ito.
Basta maibigay ito sa amin by March.
Kapag naibigay po ba ito ay ilalagay niyo as “urgent
bill” sa Kongreso?
SPFMD: Tama po iyan.
Isa pa pong topic, kaninang madaling araw ay dumating na
po sa bansa si Ruby Tuason. Alam naman po natin ay principal personality ito na
nababanggit sa investigation ng Senate sa pork barrel scam.
SPFMD: Nabalitaan ko na rin ho iyan. Ang gagawin po natin
ay hihintayin natin kung ano ang laman ng kanyang affidavit. Ang nabasa natin,
siya po ay magiging state witness, kaya po ay siguro nakita na ng kinauukulan
ang kabuuan ng kanyang sasabihin at siya po ay nagqualify sa witness protection
program. Siguro naman gagawing publiko itong kanyang affidavit.
Hindi pa naman ho tapos ang imbestigasyon ng Senado, ng
blue ribbon committee sa pork barrel scam. May pagkakataon po bang imbitahan
siya sa Senate hearing?
SPFMD: Hindi ko ho masasabi yan. Ang dapat po diyan
tanungin ay ang blue ribbon committee chairman na si Senator TG Guingona. Siya
po ang makakadetermine sa kung ano pa man ang kailangan ng kanilang komite.
Maganda rin naman ho sigurong mapakinggan ng publiko ang
kanyang magiging public statement, dahil siya yung isa sa mga pangunahing
nababanggit sa pork barrel scam.
SPFMD: That is a judgment call by Senator Guingona.
Siguro hintayin na lang muna natin ang pahayag ng DOJ na
may hawak sa naturang kaso, at sa mga naturang pagsisiyasat.
SPFMD: Tama ho iyan. Ang sa aming gawain naman ho
sa Senado, ay hindi po prosecution, kung hindi para sa paggawa ng batas,
sangayon duon sa aming maririnig. Nasa chairman po iyon ng blue ribbon
committee kung sapat na ba ang aming narinig na mga resource person at
testimonies para sa pagnukala ng isang batas o sa pagbabago sa ating existing
laws. Yaan po ay huwag sana natin makalimutan, kaya nga ho ang makakadetermine
ho talaga nito ay ang chairman ng aming blue ribbon committee.
Pahabol lang po, kamusta naman po ang mga panawagan na mag-sorry
na raw po ang pangulo sa Hong Kong?
SPFMD: Sa palagay ko hindi naman na kailangan pang
magsorry ang Pangulo. Sa dahilan na sa unang una, sa atin pong batas, ang
gobyerno –o ang buong pamahalaan- is not bound by the errors of its agents. Ibig
sabihin, hindi mo po pwedeng sampahan ng kaso ang gobyerno dahil nagkamali ang
mga pulis nito o kung anuman, dahil sa ito ang prinsipyo ng isang sovereign
government. Kaya hindi po pwedeng sabihin na ang gobyerno mismo ang may
pananagutan sa mga agents of the state. Wala pong tungkulin ang pangulo na
mag-apologize dito.
Hindi ba may namatay din na isang Filipino na nasagasaan
– o kung hindi ako nagkakamali- nasaksak sa Tiananmen Square? Mayroon ka
bang narinig na humingi ng tawad mula sa Tsina? Ganun talaga ang prinsipyo
among sovereign nations. Kaya siguro maganda yan pakinggan sa media, pero wala
pong basehan yan.
Marami pong salamat, Senate President Franklin Drilon.
###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento