February 19, 2014
Q: Senate President, tuunan ho natin
ang mga panukalang batas na mas mahalaga sa nakararaming Pilipino. Pero bago
ang lahat, napakaexciting ho ng mga nangyari sa Senado kahapon. Kumbaga
kayo yung naging referee upang hindi tuluyang magsalpukan duon sa
nagkakainitang mga pahayag at paliwanagan nila Senador TG Guingona na chairman
ng Senate Blue Ribbon Committee at ni Senador Jinggoy Estrada. Ano po ang
ginawa ninyo Senate President para mapaghupa ang naglalagablab na damdamin ng
dalawa?
SPFMD: Kinausap ko ng husto. At sinabi
ko naman ay, “Siguro nailabas na natin ang lahat ng sama ng loob. Baka naman
tama na siguro yan. “ Ang tinitingnan naman ng taongbayan ay ang ginagawa ng
Senado po para sa kapakanan ng taongbayan. Hindi natin maiiwasan na magkaroon
ng pagkakaiba sa opinyon ng bawat isang senador, at minsan talaga sa debate ay
umiinit ang usapan. Pero kasama na ho iyan sa demokrasya. Ang importante,
pagkatapos ay nagkakaroon na ng pagkakaintindihan.
Alam mo sa isang collegial body,
kailangan po laging nagkakaintindihan, dahilan po kung sa hindi, kung palaging
hidwaan ay wala pong magagawang trabaho. Atin pong ipinaliwanag sa kanila na
tayo po ay may tungkulin at responsibilidad sa ating mga kababayan na ipakita
sa kanila na tayo naman ay tumutugon sa ating tungkulin.
Q: Mabuti naman naging civilized yung
dalawa. Pero yung inyong hiniling na one minute suspension naging isang oras
bago kayo bumalik sa session.
SPFMD: Ayan naman ay mabuti na naayos
natin. Kesa naman pabayaan na maginit ang mga ulo, ang isang oras baka maging
isang buong linggo ng hindi pagkakaunawaan sa Senado – at mas mahirap iyon.
Q: Ipokus na ho natin sa mga
panukalang batas na mas kailangan natin ngayon. Ano na ho yung status nung
batas sa taxable amount sa 13th month pay at sa Freedom of
Information Bill?
SPFMD: Sa Freedom of Information Bill,
kahapon po ay yung mga committee amendments ay naipasok na. Kaya po sa isa nga
sa mga dahilan kung bakit ko pinakiusapan sina Senator Jinggoy at Senator TG ay
yung FOI bill ay kailangan na namin tapusin. Kaya kahapon, pagbalik namin sa
sesyon ay agad naming tinalakay ang FOI bill at ako’y kampante na matatapos yan
bago kami magbreak sa March 15.
Ayan po ang kailangan natin laban sa
lahat po ng nababanggit at nakikita natin na katiwalian. Para sa akin po ay
napakalaki ng magagawa ng FOI o Freedom of Information bill para maging
deterrent sa kung ano man ang balak na gawing katiwalian o korapsyon sa ating
pamahalaan. Dahilan yung mga mamamayan o yung tulad nyong media ay meron nang
karapatan para tingnan ang mga transaksyon sa gobyerno.
Q: Sa taxable amount sa 13th
month pay – sino ho ang makikinabang diyan, at magkano ang magiging benepisyo
diyan?
SPFMD: Alam mo Neil, ayan ay isa
sa mga magagandang batas ngayon – ang Senate bill no. 256 na pending sa Senado
na akda ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto. Ayon sa batas, kapag ang
bonus ay lumagpas ng P30,000 ay binubuwisan ng gobyerno. May tax na po, kaya
nababawasan ang naiuuwi ng ating mga kababayan sa kanilang mga pamilya.
Itong batas na ito na naglilimit sa
P30,000 ay mahigit 20 taon na ang nakalipas. Noon, ang isang kawani ng pamahalaan
ay kumikita ng around P2,800 isang buwan. Sa isang taon, mga bandang P
30,000. Kaya sabi ng batas, kapag hindi lumagpas ng P30,000, wala nang buwis
ang iyong suweldo.Ngunit sa kasalukuyang panahon, aba eh ang taas na ng
pinakamababang sahod ng pinakamababang kawani ng pamahalaan. Kung hindi ako
nagkakamali, mga P 9,000 per month.
Ang ibig sabihin, naiwanan na ng
panahon itong polisiya na ito na nagtatakda na P 30, 000.
Kaya napagusapan namin ni Speaker
Belmonte, aming binigyan ng diin na isa ito sa mga priority measure ng
lehislatura, para makatulong na rin sa ating mga mangagawa – na para kahit P
75,000 hindi na po bubuwisan ang Christmas bonus .
Q: So kung P75, 000 below wala nang
buwis?
SPFMD: Tama po iyan.
Q: Ngayon, kung above P75,000,
magkano po yung ibubuwis nila?
SPFMD: Ay yung regular na buwis. Kung
magkano pong income bracket na aabutin. Depende ho sa income ng taxpayer.
Q: Aside from that, ano pa po ba ang
mga priority bill sa Senado na dapat aksyunan sa lalong madaling panahon?
SPFMD: Bago po matapos ang aming
sesyon, balak na namin ilabas na yung tinatawag na pagbabago sa charter ng
Sandiganbayan. Alam mo sa Sandiganbayan, ang isang antigraft case, mahigit sa
anim na taon ang tinatagal bago pa madesisyunan. Inuulit ko po, kung may kaso
tungkol sa graft, umaabot pa po ng anim taon bago magkaroon ng desisyon. Ito po
ay sa dahilan na 3,000 ang kaso, pero effectively lima lang ang huwes. Dahilan
sa lima lang kasi ang division ng Sandiganbayan.
Q: Kulang na kulang.
SPFMD: Kulang na kulang po. Or, kung
absent ang isang mahistrado, ay hindi matutuloy ang pagdinig. Kaya nga po
sa aming tingin, dapat ay gagawin natin na kahit isa lang ang huwes, pwede pa
rin tumanggap ng ebidensya. Ibig sabihin, pwede pa rin ituloy ang pagdinig sa
isang araw, ngunit sa pagdating ng desisyon ay lahat sila sasangayon. So
mapapabilis ang pagdidinig sa mga kaso.
Q: At
bakit po hindi na lang dagdagan ang budget, para madagdagan ng tao?
SPFMD: Ay hindi po problema yan.
Ang problema diyan, kahit anong dagdag mo ng pera, ay hindi po madidinig kung
absent yung isang mahistrado. Kung ganun ang patakaran, hindi ho talaga
matutuloy ang kaso. Hindi naman maiiwasan, pag may lakad ang isang mahistrado,
hindi ho talaga makakaattend.
Q: So dapat po ayusin yung sistema sa
judicial process.
SPFMD: Tama po iyan. Ang isa pa po
naming ipapasang panukalang batas ay yung Graphic Health Warning Bill. Duon po
sa ibang bansa, lahat ng kaha ng sigarilyo ay may picture ng negative effects
ng smoking sa ating katawan – halimabawa sa ating ipin. Eh dito sa atin, wala.
Q: So yung lalagyan po ng picture,
para “kadiri to see”?
SPFMD: Oo. Para po ito sa kalusugan ng
ating mga kababayan. Para po sila ay tumigil na. Yan po ay aking itutulak
kasama si Sen. Pia Cayetano.
Q: Aking huling follow-up, sa Kongreso
sinusulong na po yung Cha-Cha. Sa Senado po ba ito ay nakaline-up na rin?
SPFMD: Ang aming pong kasunduan nuon
nila Speaker Belmonte ay tatapusin muna nila sa Kamara, at tsaka namin susunod na
tatalakayin sa Senado.
Q: Maraming salamat po, Senate
President Franklin Drilon. ###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento