Linggo, Pebrero 23, 2014

Transcript of DZRH Radio Interview of Senate President Drilon



February 24, 2014

Q: Senator, si Speaker Sonny Belmonte nagbigay ng reaction tungkol dito sa naturang issue. Sabi niya hindi niya ho matandaan. Kayo po ba bilang Senate President, - pero kung sabagay hindi kayo ang pangulo noon - natatandaan niyo pa po ba ang naturang insidente?

SPFMD: Sabi po ng diyaryo ito’y sa House of Representatives. Correct siguro. Baka naman ang ating bigyan natin ng tuon ay kung saan napunta ang perang ito? Ginamit ho ba ito ng tama? Kaya nagiging isyu ito ay dahilan po sa  sinasabi na ibinulsa ng ilang kongresista at senador itong mga pork barrel sa pamamagitan ng pekeng NGO. Siguro iyan ang tuunan natin ng pansin. Paano ginamit  ang pera ng taong bayan sa pamamagitan ng tinatawag nating DAP? Sa akin po dapat higpitan ang audit at parusahan iyong mga makikitang nang aabuso sa paggamit ng DAP.

Q: Sabagay nagiging isyu lang ito Mr. Senate President kasi nga may iniharap na petisyon sa Korte Suprema at hanggang ngayon ay naka pending pa ito. Nabanggit din niyo ang paghihigpit ng paggamit ng pondo. Ngayon, may deriktiba ang COA para sa Senado, na iyong mga chairman ng mga oversight committees na higpitan na rin ang pagpapalabas ng pondo. Hindi iyong nagka cash advance na wala namang hearing, eh kung sa ilalim pa naman ng iyong pamunuan bilang Senate President.

SPFMD: Sinusuportahan ko po iyon na dahilan sa iyon ang panawagan ng ating mga kababayan na higpitan ang proseso at ang pag check sa paggamit ng pondo ng taumbayan. At, kami naman sa Senado ay magcocomply doon sa mga hinihingi ng COA. Ito po ay pagbabago sa mga nakaraang gawain at ang sabi ng COA ay dapat  ayusin natin at tignan natin  ng husto. Ngayon, I can tell you, nagcocomply ang lahat ng mga senador . In fact, hirap na hirap mag liquidate ng mga budget ng bawat komite.

Q: Ngayon po ba ay required na may resibo at  hindi puwede na certification lang?

SPFMD: Mayroong maliit na portion na certification lang. Dahilan sa hindi mo naman maiwasan. Lalo na ngayon na wala ng PDAF, pag humingi ang isang mamamayan, lumapit sa atin, may namatayan, humingi ng abuloy at konting pamasahe, ang hirap naman na hingan pa natin sila ng resibo. That is allowed. At hindi lang naman sa mga kongresista ito, pati sa buong bureaukrasya po. A certain portion of the funds is liquidated by certification. Pati mga mahistrado sa Korte Suprema, meron din po silang portion na liquidated by certification. Dahilan sa ito ay kailangan at kasama sa mga function bilang kawani ng pamahalaan.

Q: Ang hindi lang namin maunawaan dito Mr. Senate President, bakit kailangan po ng mga oversight committees, ano samantalang napakalaking pondo pala ang ginagamit sa mga ito. Hindi rin ba bahagi na ito ng responsibilidad ng ating mga mambabatas?

SPFMD: Karamihan po nito ay required sa batas. Pareho po ang Kongreso at Senado na may mga kinatawan sa Oversight Committee. Halimbawa, yung Oversight Committee sa Energy. ‘Yan po ay by law, nakalagay po ‘yan.

Q: Merong advise Mr. Senate President ang COA sa mga Oversight committees. Ano daw po ang sistema ngayon? Dahil ang pagkakaalam po namin, 20 million per Oversight Committee pero sa ilalim po ng inyong liderato,  meron po kayong mga reporma na pinatutupad po tungkol dito.

SPFMD: Isa na po yun sa mga sinasabi. Unang una kailangan yung mga resibo sa liquidation except for a small proportion of the budget which is traditionally followed sa buong byurokrasya subject to liquidation by certification lamang and maliliit lamang na mga pangangailangan. Binabaan po natin yung budget ng oversight committee. Pinag-parepareho ko yun nung panahon natin. Ang importante ay mapangalagaan ang kaban ng bayan at sumunod sa tayo sa liquidation requirement ng COA.

On the Go Negosyo bill

Q: Pakilinaw po in short words, paano po gagawin ang Go Negosyo bill?

SPFMD: Sa Senate bill no. 2046 na akda ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship na pinamumunuan ni Bam Aquino, ating ipapasa itong lingo na to – in fact, itong araw na ito, on third and final reading. Ang isang panukalang batas na ang layunin ay maipromote ang paglago ng micro, small and medium entreprises or MSME.

Siyam sa bawat sampung negosyo ay pwede nating sabihin na small and medium or micro enterprise sa ating bansa. Uulitin ko, 9 out of every 10 namga negosyo would fall under the Small, Medium and Micro Enterprise at mahigit sa sisenta’y singkong porsyento ang mga small and medium scale enterprises ay higit po sa 65 percent ng ating trabaho ay dun po nanggagaling ang labor force ng ating bansa. Doon po matatagpuan sa maliliit na negosyo. Ang layunin ng batas na ito ay matulungan ang mga small and medium scale enterprises.

Halimbawa, doon po sa kakulangan ng trabaho sa ating bansa, sa tingin ng Senado, pwede ba natin tulungan ang manggagawang walang trabaho subalit ang nagbigay ng insentibo sa small and medium scale enterprises. Nadagdagan ang deductible expense. Pagdating sa mga bagong hires halimbawa, kung isang small and medium micro-enterprise mag-hire ng isang manggagawa, yun pong hindi lamang P1000 ang sweldo o P2000. Hindi lang dalawang libo ang mababawas sa expenses sa pagfile ng income tax. Kung hindi madaragdagan, let’s say another P500. So ang deduction ay magiging P2500 sa isang manggagawa na i-hihire ng isang small or medium enterprise.

Yan po ang tulong. At magkakaroon pa po ng tinatawag na “one-stop-shop” sa bawat lungsod o bayan under the direct supervision of the DTI na makakatulong sa training o initial operations nitong mga small, micro and medium enterprises.

Q: In other words, maeenganyo pong maghire ng workers etong mga negosyante, dahil sa kanila ay may benepisyo din po.

SPFMD: Dahil daan libo po itong mga micro, small and medium enterprises sa buong bansa. At atin pong inaasahan na dito ay makakatulong itong sector na ito sa ating ekonomiya.

Q: Eto nga po yung tinatawag na masa, underground economy. Eto po ba yung kasama diyan sa naturang programa sa bill na iyan?

SPFMD: Tama nga po. Yan nga po yung underground economy na sa ngayon ay hindi natutulungan at nakakatulong, dahil nga sa hindi sila napapansin. Ngayon, ieencourage natin na lumago sila, dahil sa ating pananaw na ito ay makakatulong hindi lang sa pambansang ekonomiya, pero para na rin sa pagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan.

On Graphic Health Warning Act 

Q: Isa po kayo sa mga nagsulong ng Sin Tax Reform Act. Mukhang may isa na naman pong kahalintulad na batas ito ngayon sa Senado?

SPFMD: Tama po iyan. Isa po sa isa sa mga tatapusin sa ating komite ay yung tinatawag na Graphic Health Warning Bill, o Senate Bill 499. Ito po ay isang batas na itinutulak ni Senator Pia Cayetano at ng inyong lingkod para po makatulong makabawas sa kaso ng pagsisigarilyo.

Sa ibang bansa po ating makikita na may graphic warning - imahe ng baga ng mga naninigarilyo – na makikita mo duon sa pakete mismo ng sigarilyo. Para po makita kung gaano kasama yung epekto ng sigarilyo sa ating katawan – sa ating baga, sa ating ipin. Dito po kasi sa atin, wala pong nagrerequire ng graphic warning sa mga pakete. So ito pong batas na ito, irerequire na kalahati po nung harap ng pakete – or a certain portion of the packet – duon po ilalagay yung picture ng epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan.

Ayan po ay isang batas na makakatulong na mabawasan na ang paninigarilyo ng ating mga kababayan, lalo na sa ating mga kabataan. Dahilan po ang laki ng ginagastos mula sa kaban ng ating bayan sa mga sakit na nanggagaling sa paninigarilyo – high blood pressure, sakit sa puso, – karamihan ay galing po sa sigarilyo. Kaya nga po noon ay pinagsikapan natin noon na ipasa yung tinatawag na Sin Tax Law na siyang magtataas ng buwis upang matulungan naman yung mga public hospital na siyang nagbibigay ng libreng panggagamot sa mga nagkakasakit mula sa paninigarilyo.

On People Power Revolution

Q: Bilang Senate President po, hihingan po namin kayo ng mensahe para po sa ating mga kababayan, kaugnay po sa pagdiriwang ng 28th  pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution.

SPFMD: Salamat po. Sa atin pong mga kababayan, atin po sanang huwag kalimutan na ang People Power ang isang naging paraan upang maibalik natin ang ating kalayaaan  - ang demokrasya ng ating bansa. Kung malaya po tayong batikusin ang ating pamahalaan, kung malaya po tayong bantayan ang paggastos ng ating pamahalaan sa pera ng bayan, yaan po ay dahil sa ating demokrasya, sa ating bukas na pamamahayag. Tayo ay nagsama sama nuong 1986 na baguhin ang ating sambayanan, ang ating mga gawain, at ang mga reporma na isinulong nuon. Ito po ay huwag natin sana makalimutan, kahit ano po ang mangyari, tayo po ay malaya ngayon, dahil sa EDSA Peope Power Revolution. Maraming salamat.

Q: Maraming salamat po, Senate President Franklin Drilon. ###  

 

Martes, Pebrero 18, 2014

Transcript of DZRH Interview with Senate President Franklin Drilon




February 19, 2014

Q: Senate President, tuunan ho natin ang mga panukalang batas na mas mahalaga sa nakararaming Pilipino. Pero bago ang lahat, napakaexciting ho ng mga nangyari sa Senado kahapon.  Kumbaga kayo yung naging referee upang hindi tuluyang magsalpukan duon sa nagkakainitang mga pahayag at paliwanagan nila Senador TG Guingona na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at ni Senador Jinggoy Estrada. Ano po ang ginawa ninyo Senate President para mapaghupa ang naglalagablab na damdamin ng dalawa?

SPFMD: Kinausap ko ng husto. At sinabi ko naman ay, “Siguro nailabas na natin ang lahat ng sama ng loob. Baka naman tama na siguro yan. “ Ang tinitingnan naman ng taongbayan ay ang ginagawa ng Senado po para sa kapakanan ng taongbayan. Hindi natin maiiwasan na magkaroon ng pagkakaiba sa opinyon ng bawat isang senador, at minsan talaga sa debate ay umiinit ang usapan. Pero kasama na ho iyan sa demokrasya. Ang importante, pagkatapos ay nagkakaroon na ng pagkakaintindihan.

Alam mo sa isang collegial body, kailangan po laging nagkakaintindihan, dahilan po kung sa hindi, kung palaging hidwaan ay wala pong magagawang trabaho. Atin pong ipinaliwanag sa kanila na tayo po ay may tungkulin at responsibilidad sa ating mga kababayan na ipakita sa kanila na tayo naman ay tumutugon sa ating tungkulin.

Q: Mabuti naman naging civilized yung dalawa. Pero yung inyong hiniling na one minute suspension naging isang oras bago kayo bumalik sa session.

SPFMD: Ayan naman ay mabuti na naayos natin. Kesa naman pabayaan na maginit ang mga ulo, ang isang oras baka maging isang buong linggo ng hindi pagkakaunawaan sa Senado – at mas mahirap iyon.

Q: Ipokus na ho natin sa mga panukalang batas na mas kailangan natin ngayon. Ano na ho yung status nung batas sa taxable amount sa 13th month pay at sa Freedom of Information Bill?        

SPFMD: Sa Freedom of Information Bill, kahapon po ay yung mga committee amendments ay naipasok na. Kaya po sa isa nga sa mga dahilan kung bakit ko pinakiusapan sina Senator Jinggoy at Senator TG ay yung FOI bill ay kailangan na namin tapusin. Kaya kahapon, pagbalik namin sa sesyon ay agad naming tinalakay ang FOI bill at ako’y kampante na matatapos yan bago kami magbreak sa March 15.

Ayan po ang kailangan natin laban sa lahat po ng nababanggit at nakikita natin na katiwalian. Para sa akin po ay napakalaki ng magagawa ng FOI o Freedom of Information bill para maging deterrent sa kung ano man ang balak na gawing katiwalian o korapsyon sa ating pamahalaan. Dahilan yung mga mamamayan o yung tulad nyong media ay meron nang karapatan para tingnan ang mga transaksyon sa gobyerno.
Q: Sa taxable amount sa 13th month pay – sino ho ang makikinabang diyan, at magkano ang magiging benepisyo diyan?

SPFMD:  Alam mo Neil, ayan ay isa sa mga magagandang batas ngayon – ang Senate bill no. 256 na pending sa Senado na akda ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto. Ayon sa batas, kapag ang bonus ay lumagpas ng P30,000 ay binubuwisan ng gobyerno. May tax na po, kaya nababawasan ang naiuuwi ng ating mga kababayan sa kanilang mga pamilya.

Itong batas na ito na naglilimit sa P30,000 ay mahigit 20 taon na ang nakalipas. Noon, ang isang kawani ng pamahalaan ay kumikita ng around P2,800  isang buwan. Sa isang taon, mga bandang P 30,000. Kaya sabi ng batas, kapag hindi lumagpas ng P30,000, wala nang buwis ang iyong suweldo.Ngunit sa kasalukuyang panahon, aba eh ang taas na ng pinakamababang sahod ng pinakamababang kawani ng pamahalaan. Kung hindi ako nagkakamali, mga P 9,000 per month.

Ang ibig sabihin, naiwanan na ng panahon itong polisiya na ito na nagtatakda na P 30, 000.
Kaya napagusapan namin ni Speaker Belmonte, aming binigyan ng diin na isa ito sa mga priority measure ng lehislatura, para makatulong na rin sa ating mga mangagawa – na para kahit P 75,000 hindi na po bubuwisan ang Christmas bonus .

Q: So kung P75, 000 below wala nang buwis?
SPFMD: Tama po iyan.

Q:  Ngayon, kung above P75,000, magkano po yung ibubuwis nila?
SPFMD: Ay yung regular na buwis. Kung magkano pong income bracket na aabutin. Depende ho sa income ng taxpayer.

Q: Aside from that, ano pa po ba ang mga priority bill sa Senado na dapat aksyunan sa lalong madaling panahon?

SPFMD: Bago po matapos ang aming sesyon, balak na namin ilabas na yung tinatawag na pagbabago sa charter ng Sandiganbayan. Alam mo sa Sandiganbayan, ang isang antigraft case, mahigit sa anim na taon ang tinatagal bago pa madesisyunan. Inuulit ko po, kung may kaso tungkol sa graft, umaabot pa po ng anim taon bago magkaroon ng desisyon. Ito po ay sa dahilan na 3,000 ang kaso, pero effectively lima lang ang huwes. Dahilan sa lima lang kasi ang division ng Sandiganbayan.

Q: Kulang na kulang.

SPFMD: Kulang na kulang po. Or, kung absent ang isang mahistrado, ay hindi matutuloy ang pagdinig.  Kaya nga po sa aming tingin, dapat ay gagawin natin na kahit isa lang ang huwes, pwede pa rin tumanggap ng ebidensya. Ibig sabihin, pwede pa rin ituloy ang pagdinig sa isang araw, ngunit sa pagdating ng desisyon ay lahat sila sasangayon. So mapapabilis ang pagdidinig sa mga kaso.

Q: At bakit po hindi na lang dagdagan ang budget, para madagdagan ng tao?

SPFMD: Ay hindi po problema yan.  Ang problema diyan, kahit anong dagdag mo ng pera, ay hindi po madidinig kung absent yung isang mahistrado. Kung ganun ang patakaran, hindi ho talaga matutuloy ang kaso. Hindi naman maiiwasan, pag may lakad ang isang mahistrado, hindi ho talaga makakaattend.

Q: So dapat po ayusin yung sistema sa judicial process.

SPFMD: Tama po iyan. Ang isa pa po naming ipapasang panukalang batas ay yung Graphic Health Warning Bill. Duon po sa ibang bansa, lahat ng kaha ng sigarilyo ay may picture ng negative effects ng smoking sa ating katawan – halimabawa sa ating ipin. Eh dito sa atin, wala.

Q: So yung lalagyan po ng picture, para “kadiri to see”?

SPFMD: Oo. Para po ito sa kalusugan ng ating mga kababayan. Para po sila ay tumigil na. Yan po ay aking itutulak kasama si Sen. Pia Cayetano.

Q: Aking huling follow-up, sa Kongreso sinusulong na po yung Cha-Cha. Sa Senado po ba ito ay nakaline-up na rin?

SPFMD: Ang aming pong kasunduan nuon nila Speaker Belmonte ay tatapusin muna nila sa Kamara, at tsaka namin susunod na tatalakayin sa Senado. 

Q: Maraming salamat po, Senate President Franklin Drilon. ###             

Lunes, Pebrero 17, 2014

Drilon: Congress to raise 13th month tax exemption limit



Press Release
18 February 2014
Refer to: Jeeno Arellano


Both houses of Congress have agreed to increase the tax exemption limit imposed by an outdated law regarding the 13th Month Pay, Christmas bonus and other work benefits, said Senate President Franklin M. Drilon.

The Senate leader said that Senate Bill No. 256, authored by Senate Pro-Tempore Ralph Recto, is one of the most prominent pro-consumer legislation which will receive urgent legislative attention “due to its direct effect to millions of Filipino workers around the country.”

He said the Senate intends to raise the exclusion limit on an individual’s 13th month pay, Christmas bonus, and other work benefits from income taxation from the current imposed limit of P30, 000 to P75,000.

According to Drilon, both chambers are aware of the need to revisit the antiquated provisions of the law “to provide relief to state and private workers whose purchasing power has been shrinking for years due to inflation, but still have had to deal with the consequences of an outdated law.”

“The law was passed 20 years ago, and obviously, things have greatly changed - making such figures no longer reflective of current economic realities, thus making it even more difficult for the average Filipino worker to make both ends meet for him and his family,” Drilon stressed.

He was referring to Republic Act No. 7833, or the statute that imposed the P30,000 cap on bonuses back in 1994 when the lowest monthly basic salary for government employees (Salary Grade 1, Step 1) was tagged at P2,800, while the President of the Philippines (Salary Grade 33) received P25,000 per month.

Today, the basic salary for government employees is now pegged at P9,000, with the highest salary reaching P 120,000 per month.

“While most of the priority bills right now focus on macroeconomic progress, we have to make sure that necessary bills such as SBN 256 will also receive the required resources and attention towards their passage, for the sake of our countrymen,” he said.

“Our country’s laws must always prioritize the improvement of the living standards of its citizenry. Bills like this are necessary to address the real-time concerns and immediate demands of our people,” he added.

The Senate chief has also said that there are still other measures in the legislative shortlist which aim to improve government policies rallying for the welfare of the common Filipino. ### 



Tagalog version:


Drilon: Limit sa 13th month tax, luluwagan ng Kongreso

Nagkasundo na ang parehong kapulungan ng Kongreso na aksyunan ang naluma nang batas upang taasan ang limit sa tax exemption sa 13th Month pay at iba pang bonus, ayon kay Senate President Franklin M. Drilon.

Sinabi ng lider ng Senado na ang Senate Bill No. 256, na akda ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto, ay isa sa mga mga nakasalang na “pro-consumer legislation” na agarang tatalakayin ng mga mambabatas, “dahil na rin sa direktang epekto nito sa milyun-milyong Pilipinong trabahador sa buong bansa.”

Aniya, balak ng Senado na taasan ang tax exclusion limit sa 13th month pay, Christmas bonus, at iba pang work benefits papunta sa P75,000.00 mula sa kasalukuyang P30,000.00.

Ayon din kay Drilon, nauunawaan ng parehong Senado at Kamara na kailangan nang bisitahin muli ang mga lumang probisyon sa batas, “upang bigyang ginhawa ang mga pampubliko at pribadong manggagawa na patuloy na tinatamaan ng pagtaas ng mga bilihin.”   

“Pinasa ang batas na ito mahigit 20 taon na ang nakalipas, at higit sa malamang, ang mga itinakdang bilang ay hindi na sumasalamin sa reyalidad ngayon ng ating ekonomiya - kaya ang  resulta, ang karaniwang Pilipino at ang kanyang pamilya ang sumasalo ng hirap,” sabi ni Drilon.  

Itinuro ng senador ang Republic Act No. 7833, o ang statute na nagtatakdad sa P30,000 cap sa mga bonuses simula noong 1994, kung saan ang pinakamababang monthly basic salary para sa mga empleyado ng gobyerno (Salary Grade 1, Step 1) ay nakapataw sa P2,800, habang ang Presidente ng bansa (Salary Grade 33) ay nakakakuha ng pinakamataas na suweldo – P25,000- kada buwan.

Sa ngayon, ang basic salary ng pinakamababang kawani ng pamahalaan ay P9,000, habang ang pinakamataas na suweldo ay pumapalo sa P120,000 kada buwan.

“Karamihan sa mga priority bills ngayon ay nauukol sa macroeconomic progress ng buong bansa, ngunit kailangan pa rin nating siguraduhing ang mga batas na kinakailangan ng ating mga kababayan tulad ng SBN 256 ay mabibigyan din ng karampatang atensyon para maipasa ang mga ito,” ayon pa sa mambabatas.   

“Nararapat lamang na gawing prayoridad ng mga batas ng ating lipunan ang pamumuhay at kondisyon ng mga mamamayan. Ang mga panukalang batas tulad nito ay mahalaga upang matugunan natin sa gobyerno ang mga  pang-araw araw na pangangailangan ng ating mga kababayan,” iginiit ni Drilon. 

Sinabi pa ng pangulo ng Senado na marami pang mga panukalang batas na kasama sa “legislative shortlist” ang naglalayon na pagtibayin at palakasin pa ang mga polisiya ng pamahalaan na nagsusulong sa kapakanan ng karaniwang Pilipino.###

Martes, Pebrero 11, 2014

Congress wants Sandiganbayan to focus on most significant graft cases, assign minor issues to RTCs, says Drilon



Press Release
12 February 2014
Refer To: Jeeno C. Arellano

Senate President Franklin M. Drilon wants the Sandiganbayan to concentrate its resources in trying the most significant graft cases, and to transfer jurisdiction to hear and decide “minor cases” to the Regional Trial Courts (RTC).

Drilon emphasized that the proposal is aimed “at decongesting the clogged dockets of the Sandiganbayan.”

“The list of pending cases at the country’s anti-graft court is not getting any shorter, given the strong resolve of the administration to purge the government of corrupt individuals and finally halt the culture of corruption in the bureaucracy,” said Drilon.

He said that about 50 percent of the pending cases in the Sandiganbayan are considered minor cases “which can actually be heard faster by the regional trial courts.”

The Senate chief pointed to some provisions of the law that “only contribute to the backlog” even if the men and women of the Sandiganbayan are trying their best to fast-track the judicial process.  

Drilon was referring to the existing law vesting in the Sandiganbayan the jurisdiction over all graft cases involving public officials occupying Salary Grade 27 and above regardless of the “nature and gravity” of the offense.

“As a consequence, the country’s anti-graft court has to deal with even the most minor of cases, thus further aggravating its workload,” said Drilon.

He added that it takes five years or even more for the Sandiganbayan to try and decide an average case.

The Senate chief thus said he will propose another amendment in the Sandiganbayan’s charter to allow the transfer of minor cases to the RTCs. Minor cases, he said, “are those where the information does not allege any damages or bribes, alleges damages or bribes that are either unquantifiable or not quantified, or alleges quantified damages or bribes amounting to P1 million only or less.”

He said the expertise and competence of a trial court judge is “more than sufficient to hear such kind of cases.”

Drilon has previously filed a bill which seeks to amend the proceedings of the Sandiganbayan, which will authorize a justice-designate to hear and receive evidence on behalf of a division. Presently, the Sandiganbayan is composed of five divisions, with three justices each; and the presence of the three justices is required to receive evidence and try a case, and there must be a unanimous vote to secure an acquittal or a conviction.

The Senate leader said he expects Senate Bill No. 470 to be sponsored on the floor by March.

"The most potent deterrent against the spread of corruption is the certainty of punishment. We must therefore strengthen current procedures and mechanisms to ensure the swift prosecution and resolution of anti-graft cases,” stressed Drilon.

“The speedy trial and disposition of graft cases would certainly erase any delusions by anyone that stealing from public funds is a crime that they can get away with," he added. 

Lastly, the Senate leader said the current Congress is committed to pass various legislation aimed at tightening anti-corruption safeguards, enshrining transparency and ensuring prompt delivery of justice. The package includes, among others, the Freedom of Information Law, Whistleblower Protection Act, amendments to the Witness Protection, Security and Benefit Program Act. ###