November 26, 2013
Q: Medyo mataas ang survey ngayon,
senyales ba yun na nakabawi na ang Senate?
SPFMD: Para sa akin, that is a motivation na
lalo kaming magtrabaho. Ako ay natutuwa naman na kinikiala ng sambayanan ang
ating effort to really bring back the Senate to where it should be, an
important institution of democracy. Having said that, we realize that this is
just one survey and we will continue to work hard in order that we continuously
deserve the support of our people.
Q: On the P14.6-billion supplemental
budget
SPFMD: Nag-usap kami ni Sen. Escudero, ang
pagkakaalam ko magkakaroon ng hearing on the supplemental budget bukas at pati
yung joint resolution kung saan in-extend namin ang authority doon sa
calamity-related budget which will expire on December 31, 2013, unless we pass
the joint resolution which will allow the budget to be extended for one year
insofar as calamity funds are concerned.
Q: Once approved, pwede nang magamit?
SPFMD: Yes, pwede na because that is part of
the 2013 budget. The National Treasurer has already issued the certification as
to the availability of funds.
Q: Kaya bang ipasa ang budget sa 2nd
and 3rd readings today
SPFMD: Iyan ang aming schedule, para sa
ganoon ay maumpisahan na ang paghahanda sa bicam. It could be next week. We
estimate that we should be able to send to the President the budget by the
second week of December.
Q: Open po ba ang bicam?
SPFMD: Hindi po ako miyembro ng bicam.
Q: May malaking pagkakaiba ba ang
version ng Senate sa House?
SPFMD: Hindi ko pa masagot dahil ngayon pa
lang ang period of amendments. What is important ay yung mga sinabi ng Supreme
Court na mga provisions na violative of the Constitution kung saan mayroon
kapangyarihan ang mga mambabatas na makialam sa budget matapos itong maipasa.
Dapat walang ganoon doon sa final version. Dahil sa sinabi ng SC na kaya ang
PDAF ay nagging unconstitutional ay dahilan sa pagkatapos na pirmahan ang
budget, mayroong mga provision doon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga
mambabatas na makialam sa execution. Iyan ay bawal sa ating Saligang Batas.
SPFMD: Mayroon na akong nakitang dalawag
provisions na mayroong word na “consultation” (“in consultation with the
representatives of the congressional districts of the province”. Iyan ay ating
pag-aaralan para sa ganoon sa bicam ito ay mabigyan ng kaukulang solusyon.
Q: Na-organize na po ba ang ethics
committee
SPFMD: Wala pa. we will take it up at the
appropriate time. Right now we are busy with the budget.
Q: On the statement of Foreign Affairs
Secretary that the typhoon Yolanda emphasized the need for more US presence
SPFMD: Ang importante ang lahat ng gagawin ay
sang-ayon sa Constitution at walang permanent basing dito sa aitng bansa.
Q: On overseeing the P55.4-B rehab
funds
SPFMD: We will exercise our oversight
functions. Malaking pera po ang ating ilalaan sa kalamidad. Dalawang bagay po
ang bibigyang pansin: yung tamang paggamit ng pera at ang absorptive capacity
ng mga ahensya. Sa ngayon maglalagay tayo ng pondo tapos hindi magagamit sa mga
biktima ng mga sakuna; sa ngayon pa lang, doon sa programmed appropriation,
aabot na sa P55 bilyon mahigit maliban pa sa P7.5 billion sa calamity fund na
pwede pa ring dagdagan. Malaking pera kaya ating titingnan at we will exercise
our oversight functions on the ability of the executive to implement these
projects on time and the proper disbursement of funds. We will also review in
the middle of next year kung kailangan pa ng supplemental budget at kung sapat
na ang inilaan natin at kung may kulang, handa tayong making sa executive
branch basta may pagkukunan ng pondo.
Yung sinasabi kong P55.5 billion,
maliban pa yan sa regular items sa 2014 budget na mayroong sa calamity funds na
P7.5 billion at yung tinatawag na quick response funds. That is part of the
regular appropriations
NOTES:
1.
Special Provision 2 of
the DepEd’s budget states that “within thirty (30) days from effectively of
this Act, the DepEd, in consultation with the representative of the legislative
district concerned, shall submit to the DBM, either in printed form or by way
of electronic document the following: (i) program of work; (ii) list of the
fifty percent (50%) of the school buildings to be funded per legislative
district, including the water and sanitation facilities, indicating therein the
number of classrooms per school, the cost of the project and the DPWH District
Engineering Officer where the funds will be released; (iii) details on the
type, number and cost of school desks, furniture and fixtures corresponding to
the school building to be constructed; and (iv) the request for Special Budget.
The list of the remaining fifty percent (50%) of the school buildings shall be
submitted to the DBM within six (6) months thereafter.
2.
Special Provision, 3 (c),
Special Shares of Local Government Units in the Proceeds of National Taxes
states that: “Thirty percent (30%) to the identified municipalities and cities
in the congressional districts of a beneficiary province in consultation with
the representatives of the congressional districts of the province.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento