Linggo, Enero 12, 2014

Statement of Senate President Franklin M. Drilon on the latest Pulse Asia Survey

  
We realize and accept that the controversies that hounded Congress last year cost us the trust and approval of our people. We have therefore committed ourselves to tedious but necessary actions that will enable us to regain public trust and approval.

We have just entered a new year, but I am confident to say that with the reforms we have been undertaking and with the number of important pieces of legislation that the Senate will be working on this year, we will leave year 2014 with the trust and confidence of our people in the institution successfully restored.

We take the result of the latest Pulse Asia survey as a challenge to improve our performance. We at the Senate are even more inspired and invigorated to heed the people’s call for genuine and lasting reforms and in passing legislation that will better serve the interests of the Filipino people, sustain economic growth, enhance government transparency, and eliminate corruption. 

– END - 

-----
Tinatanggap namin na ang mga kontrobersiyang kinaharap ng Kongreso noong 2013 ay nagdulot ng unti-unting pagguho ng tiwala ng taumbayan sa institusyon. Dahil dito, kami ay determinadong gumawa ng mga mahihirap ngunit kinakailangang hakbangin na magpapanumbalik sa nawalang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan.

Kabubukas pa lamang ng bagong taon, ngunit masasabi ko na sa pamamagitan ng mga repormang aming isinasagawa sa Senado at ang mga mahahalagang batas at polisiya na aming bubusisiin ngayong taon, ating lilisanin ang taong 2014 na bitbit nating muli ang tiwala ng taumbayan.

Ang resulta ng bagong Pulse Asia survey ay isang pagkakataon para pagbutihan namin ang aming trabaho sa Senado. Kami sa Senado ay mas nabigyan ng inspirasyon upang tugunin ang panawagan ng taumbayan sa totoo at pangmatagalang reporma at magpasa ng mga batas na magpapalakas ng ekonomiya, transparency sa gobyerno, at magpapababa ng korupsyon. 


- END -   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento