Thursday,
December 05, 2013
Q:
Kahapon po nabago yata ang posisyon. Usually ang privilege speeches ay
nakaharap sa inyo. Kahapon nakatalikod si Senator Miriam.
SPFMD:
That’s the least of my problems. Nalulungkot po ako sa nangyari. Siguro
naman ngayon po ay nailabas na ang init ng ulo, baka sakali after a little
while, mapakiusapan ang dalawa na ceasfire na muna. Pasko naman ngayon, kalma
na muna. Hindi rin naman tanggap ng bayan ang ganyang mga away away, lalo na sa
panahon ngayon.
Q:
Hindi lamang po sina Senator Miriam at Senator Enrile ang napupulaan ng buong
bayan, kungdi ang buong Senado mismo.
SPFMD:
Tama po yan Joe. Kaya ako po ay nalulungkot sa nangyaring ito. Pero nangyari na
ang nangyari. Siguro naman, sabi ko nga, nailabas na ang init ng ulo, ngayong
Pasko ay magbigayan na muna. Baka naman over this cooling off period, pwede
natin pakiusapan na siguro, let’s us concentrate sa ating mga kababayan, lalo
na sa mga bikitima ng sakuna. Duon na lang muna tayo magbigay ng buong effort.
Q:
Bilang Senate President, wala po ba kayong balak na isangguni sa paghihigpit ng
alituntunin sa mga privilege speeches? Before Martial Law hindi naman po
ganyan, talagang kapakanan ng bayan ang involved.
SPFMD:
Alam mo Joe, iba na talaga ang panahon ngayon. Because of media exposure, and
of the more important role played now by media, siguro mas ibig na ng mga
senador ngayon na mas maraming nakakaalam ng kanilang mga damdamin, kaya ganoon
ang nangyayari. Meron din namang mga movement na ganyan, but kahapon nobody
moved against anything. Somebody did move na irefer ang speech ni Senator
Miriam to the rules. Pero tama yun Joe, dati pa noong unang panahon, merong
nang mga sinusunod na parliamentary language. Matagal na po yan, way even
before my time.
Q: Isangguni natin sa kapulungan, baka pwede ho nating higpitan ang alituntunin. Nasasayang ang oras ng Senado, madami pang mahalagang bagay ang kailangang talakayin.
SPFMD:
Oo, pero nasa senador o congressman ho iyan. Ang tawag diyan sa privilege hour
ay “I rise to the question of personal and collective privilege. So hindi
po mapipigilan kung ano man ang sasabihin, dahil yan ay kasama sa
tradisyon ng parlyamentaryo na may kalayaan ang mga mambabatas na magbunyag ng
kanilang damdamin, subject only to their own rules on what language should be
used.
Q:
Siguro dapat din maging particular ang Senado sa ganyan. Kung gagamitin ang
privilege hour para lang maglinis ng pangalan, eh merong namang proper forum o
mga hukuman para dyan.
SPFMD: Tama yun Joe, pero kahit saang
parlyamentaryo sa mundo ka pumunta, ganyan po ang tradisyon. You can speak
anything under the sun. We can take the situation na hindi sangayon ang
sambayanan sa sinabi ng isang mambabatas sa Kongreso, kesa pigilan natin ang
karapatan ng isang opisyal na hinalal ng bayan na magbunyag ng kanilang
damdamin. Though I agree with you Joe na minsan, dapat natin lagyan ng rules on
the language or the use of the privilege speeches.
Q:
Paano po ba ang paggamit ng supplemental budget? Ito po ba ay lumpsum na nasa
adminsitrasyon ang kapangyarihan at bahala sila kung saan gagamitin?
SPFMD:
Yaan po ay ilalagay sa calamity fund. Sa aking original proposal, sa bawat
department ay merong allocation, whereas sa sponsorship speech kahapon, lahat
ay inilagay sa calamity fund. Kasi ngayon ay kailangan natin ng flexibility,
dahil hanggang ngayon hindi natin alam ang kailangan ng bawat department. Hindi
nila masabi kung magkano exactly, at kung anung departamento ang pinaka
affected. So ang aming ginawa, nilagay lahat sa calamity fund, though sa
sponsorship ni Senator Escudero ay kanyang binanggit kung saan mga department
dapat ilaan o ibahagi ang calamity fund.
Q:
Paano po masisiguro na tama ang paggamit nitong malaking calamity fund para sa
mga nasalanta ng kalamidad?
SPFMD:
Sa aking paningin, dapat po natin pagkatiwalaan ang Pangulong Noynoy
Aquino na tama ang kanyang gagawin. Nandyan naman ang media, bukas naman yan.
May nilagay kami na requirement sa supplemental budget kung saan magrereport
ang mga ahensya sa kanilang paggamit ng budget na ibingay sa kanila. Meron ding
oversight body na titingin sa expenditures – ang Oversight Committee on Public
Expenditures. Magkabilang kapulungan po ang nakaupo dyan, at meron pong
pagkakataon na eksaminin ang mga disbursements na gagawin gamit ang calamity
fund.
Ang
supplemental budget po ay galing sa savings sa pork barrel, yung P 14.6
billion. Eto po ay galing sa dating PDAF ng Korte Suprema na hindi na pwedeng
gamitin, so idinaan po natin sa calamity fund. Meron pong nagsasabi na hindi
pwede ang lumpsum funds. Ang sinabi ng Korte Suprema, pwede po ang lumpsum,
basta single-fund at single-purpose, gaya ng calamity fund.
Q:
Nagkaroon po ba ng karagdagang pondo ang Department of Health at ang Department
of Education, kaugnay po dito sa mga dating nakikinabang sa PDAF ng mga
legislator?
SPFMD:
Hindi ko po alam ang final version sa bicameral conference, pero meron pong
dagdag na pondo sa state colleges and universities at sa DOH. Hindi ko lang
maalala kung exactly magkano.
Q:
Yung danger na hindi matuloy ang benepisyo ng mga umaasa dati sa PDAF, wala na?
SPFMD:
Dahil mayroon nang karagdagang budget, nasa implementing agencies na po yan
kung paano nila paiiralin itong programang ito.
Q:
Sa Christmas Party sa Senado?
SPFMD:
Yung Christmas party sa Senado ng mga empleyado, kanselado. Noon pa, yung
nakaallocate na budget na P1million ay ibinigay na sa DSWD noong Bohol
earthquake pa. Nagipon kami noon ng P6 million para sa relief operations.
Q:
Reaksyon sa pagkaappoint ni former Senator Lacson bilang rehabilitation czar?
SPFMD:
Si Senator Lacson ay may kakayahan pong icoordinate ang lahat ng mga
rehabilitation efforts.
Q:
Reaksyon sa statement ni Senator Jinggoy Estrada na willing daw po siyang
mamagitan between Senator Enrile and Santiago? May gagawin din po ba kayong
hakbang?
SPFMD:
Sabi ko nga, nailabas na nila Senator Johnny at Senator Miriam ang sama ng
loob. Pasko ngayon, may cooling period. Baka pagbalik natin sa Bagong Taon,
malamig na ang panahon, duon natin susubukan na pagusapin ulit ang ating
dalawang kasamahan. -END
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento