On the Senators’ Caucus
SPFMD: Mamaya
po sa caucus amin pong paguusapan kung ano ang sentimyento ng mga
senador sa 2014 budget. Sa 2013 kung anuman ang naiiwan sa aming pork
barrel ang napagpasiyahan kahapon ay yan po ay aming win-ne-waive. Hindi
na po magsusubmit ng anumang proyekto sa 2013. Kaya yung savings sa
2013 PDAF ay aming hinihimok ang pangulo na gamitin para sa calamity
funds na sa ngayon ay nagkukulang na. Kaya pwede po gamitin ng pangulo
ang unused PDAF sa 2013 ng mga senador para sa calamity funds sa mga
probinsya na nag-suffer dun sa lindol, sa mga nakalipas na bagyo at pati
na rin sa Zamboanga City. Sa 2014, paguusapan po namin yan sa aming
caucus.
Q: Sir, may headcount na po kayo kung ilan na yung kasama niyo for the total abolition beyond 2014?
SPFMD: Wala pa akong headcount at paguusapan mamaya.
Q: Sir, katanggap tanggap po ba sa inyo kung realignment lang po sa ibang agencies ang mangyari?
SPFMD: Siguro
pagkatapos na siguro ng caucus. I do not want to preempt because ako po
ay pangulo ng senado. Ayoko po agad magbigay ng sagot mga ganung
klaseng tanong. Hintayin muna natin ang caucus.
Q: Sir, kapag dinelete yung PDAF sa 2014, mapupunta lang daw po ito sa unprogrammed funds?
SPFMD: Hindi totoo yan dahil bababa yung national budget. Yung
budget mismo and expenditure program ay bababa. Halimbawa, just to
demonstrate it, ang budget just theoretically ay P1.2 billion. Pag
inalis yung P200 million na yun, that’s a portion. Pag sinabi kong aya
kong gamitin yan at alisin yan sa budget, ang mangyayari ay ang budget
ay magiging P1 billion nalang. Hindi talaga pupunta sa unprogrammed yan.
Q: Sir, bale bababa yung national budget?
SPFMD: Tama. Bababa ang national budget.
Q: What do we say to our colleagues on their discretion in identifying the price?
SPFMD: Well, we will discuss it later. We will have our own positions. I would wait for what the others would say.
Q: Diba hindi kayo pwede magbawas ng budget submitted by the President? Pano mababawi?
SPFMD: We
can. What we cannot do is add to the budget. Ang hindi namin pwede
gawin ay dagdagan ang budget ng national government. Ang example ng P1.2
billion hindi mo pwedeng gawin P1 billion and 201 million. Pero pwede
mong gawin ay 1 billion 150 million nalang.
On his Pulse Asia Survey ratings
SPFMD: Hindi
po ako nagulat dahilan sa binanatan ako. May demolition job laban sa
akin dun sa mga ibig i-divert ang attention ng taongbayan sa tunay na
issue ngayon. Ang issue ay katiwalian sa paggamit ng pork barrel. Ako
po’y naniniwala na pag nagkaroon na ng maliwanag na paglilitis ng kaso
sa husgado at maparusahan yung nagkasala at ma-acquit yung inosente,
kami po ay makakabawi dito sa problemang ito. Sisikapin naman namin na
talagang maibalik yung tiwala ng taongbayan sa Senado. Uulitin ko, ito
ay isang survey lamang. Ako po’y naniniwala na kapag umiiral na ang
ating sistema ng hustisya at maparusahan yung mga nagkamali at may
kasalanan at ma-acquit yung inosente, makikita ng taongbayan na talagang
pagkatiwalaan ang Senado dahil ang proseso sa hustisya ay gumugulong.
Kami po ay gumagawa ng lahat para naman maibalik ang tiwala ng
taongbayan. Halimbawa yung pag-waive namin ng 2013 PDAF, yun po ay isang
paraan na mapakita namin sa taongbayan na andito naman kami para
manungkulan. Ito po ay isang proseso ng paglilinis ng ating sistema.
Mabigat man, ito po ay ating gawin.
Q: Sir, naramdaman niyo ba na naapektuhan kayo ng PDAF scam even if hindi naman po kayo involved?
SPFMD: Siyempre. Naapektuhan ako dahil sa
demolition job. Hindi ako involved at handa akong harapin kahit sinuman.
Wala akong tinatago dito.
On giving immunity to Janet Lim Napoles
SPFMD: Nasa
batas po yan sa witness protection program. Ang ibig lang sabihin nun,
yung kanyang bibitiwan na salita ay hindi pwedeng magamit sa kanya.
Ngunit, hindi ibig sabihin na abswelto siya sa kaso dahil maraming
ebidensya na pwede pang iharap.
Q: Manggagaling ba sa Senate yung pag-grant ng immunity?
SPFMD: Manggagaling
sa committee. Ngunit uulitin ko, ang ibig sabihin nun ay ang bibitiwan
niyang salita sa Senado ay hindi pwedeng gamitin sa husgado laban sa
kanya Ngunit hindi ibig sabihin na mawawalan na ng bias yung kaso laban
sa kanya.
Q: Kelan pwede mag-offer ng immunity sa witness?
SPFMD: Anytime.
The committee will decide that. Immunity in so far as her statements
made in the Senate but not immunity from prosecution.
Q: Sir, advisable ba na ibigay sa kanya yung immunity?
SPFMD: Kung anuman yung gagawin niya, may abogado siya.